
Tubong Parañaque si Kapuso comedian John Feir at 45 years nang nakatira sa kanyang childhood home doon.
Sa ngayon, ginawa nang isang maliit na compound ang kanilang property na pinaghahatian nilang magkakamag-anak.
Bukod dito, nag-invest din si John sa isang resthouse sa Silang, Cavite.
At least once a month daw pumupunta dito si John at minsan ay sumasaglit din kung wala siyang taping.
"Pangarap ko kasi na magkaroon talaga ng titiran sa parang probinsiya type [na lugar]. [Gusto ko] 'yung ganitong feel, malamig, tahimik," kuwento niya.
Proud na ipinasilip ni John ang kanyang bahay na may tatlong palapag at may magandang pang view mula sa balkonahe.
Panoorin ang feature sa kanya ng programang Tunay Na Buhay: