
Ramdam ang pangungulila ng Kapuso leading man na si Rayver Cruz sa pagpanaw ng kanilang ina na si Beth Cruz, dahil sa pancreatic cancer nito lamang Sabado, February 2.
IN PHOTOS: The life of Beth Cruz in the eyes of her sons Rayver and Rodjun
Sa Instagram story ni Rayver, hindi nito maitago ang pagka-miss niya sa kaniyang Mama Beth.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang rumored girlfriend ni Rayver na si Janine Gutierrez pati na rin ang kaniyang pamilya sa pagkamatay ni Mrs. Cruz.
Samantala, sa Instagram post naman ng Kapuso versatile actress na si Kris Bernal, sinabi nito na ipinagdarasal niya ang pamilya nina Rayver at Rodjun na ngayon ay dumadaan sa isang matinding pagsubok.
Ka-love team ni Kris si Rayver sa hit afternoon soap na Asawa Ko, Karibal Ko.
Ani Kris, “We're here for you @rayvercruz and @rodjuncruz. My thoughts, praters and well-wished during this dark time in your lives. Stay stroooong! Keep fighting!”
Bumuhos din ang mensahe para sa pamilya Cruz mula sa mga kaibigan at katrabaho nina Rodjun at Rayver sa Kapuso at Kapamilya network.