
May ginawang kanta si Tom Rodriguez para sa kanyang kasintahang si Carla Abellana.
Na-inspire daw si Tom na sumulat ng kanta noong nagbakasyon sila sa Japan kasama ang pamilya ni Carla.
LISTEN: Tom Rodriguez covers 'A Star is Born' song
"The trip is ending daw ganon, she wished we didn't have to leave. Nag-uusap kami nang ganon, nasa train kami," kuwento ni Tom.
"The words just started forming themselves."
Ibinahagi ni Tom ang kanyang ginawang kanta sa kanyang Instagram account.
Nagsimula na rin ang pagti-taping ni Tom para sa bago niyang serye sa GMA, ang Dragon Lady, kung saan makakatambal niya si Janine Gutierrez.
Si Janine ang gaganap na Celestina, isang babae na may mala-dragon na itsura samantalang si Tom naman si Michael, isang adventurous pero misteryosong Filipino-Chinese.
"I'm very, very excited na magkakasama na kaming lahat finally kasi that's what I'm really looking forward to in this project," saad ni Tom.
Makakasama nila sa Dragon Lady sina Edgar Allan Guzman, Diana Zubiri, James Blanco at marami pang iba.
WATCH: Fun facts tungkol sa cast ng 'Dragon Lady'
Alamin ang buong detalye sa report na ito: