
Nagtapos ang Kapuso child actress na si Althea Ablan ng Grade 8 with honors sa kanyang alma mater na Mother Maria Maddalena Starace School sa Paranaque City.
Nag-uwi ng dalawang medalya ang aktres at hinirang bilang Most Respectful, Best Deportment, Best in T.L.E., at with Honors.
Sa kanyang Instagram post, pinasalamatan ng Kara Mia star ang kanyang pamilya, mga guro at ang iba't iba pang school administrators na tumulong sa kanya habang siya ay nag-aaral.
Dahil sa gantimpalang kanyang natanggap, excited na rin daw and aktres sa darating na school year.
Maaalalang gumanap si Althea bilang ang batang bersyon ni Ellie Garcia na ngayon ay ginagampanan ni Liezel Lopez.
Congratulations, Kapuso!
LOOK: Graduation photos ng mga sikat
LOOK: 'Sahaya' star Bianca Umali graduates from Senior High School