
Maaga man naulila man sa ina, hindi nalayo si Tekla sa alaga ng isang nanay dahil sa paggabay at pagmamahal ng kanyang manager na si Rose Conde.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Tekla ang natutunan niya sa mother figure ng buhay niya ngayon.
Aniya, "Hindi lang manager, sobrang nanay talaga.
“Sabi niya, 'Be professional sa work mo tapos pahalagahan 'yung kinikita mo.'
“Parang feeling mo pinapakialaman ka, pero 'yun pala touch of concern ng isang hindi lang manager kundi nanay.”
Dagdag pa niya, “Gina-guide niya ako always sa takbo ng career ko para at the end of the day, hindi masasayang lahat.”