Celebrity Life

WATCH: Mystica opens up about her financial difficulties

By Marah Ruiz
Published May 14, 2019 3:03 PM PHT
Updated May 14, 2019 3:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News



Taong 2016 noong nagkaroon si Mystica ng matinding problema sa pera. Naging matumal ang kanyang showbiz career at nagkaroon pa ng sakit ang kanyang nag-iisang anak na si Stanley.

Sikat na sikat noong early 2000s ang sexy singer and actress na si Mystica o Ruby Rose Villanueva sa tunay na buhay.

Ruby Rose Villanueva
Ruby Rose Villanueva

Nakilala siya sa husay niya sa pagkanta na hinahaluan pa niya ng kanyang signature split. Umaabot pa ng P200,000 hanggang P300,00 ang talent fee niya sa bawat guesting ng tinaguriang "Split Queen."

"Sobrang mabilis po ang pera kaya akala ko kayang-kaya kong magkaroon ng pitong mga alalay, tapos mga dancer. So 'pag mayroon akong mga ini-invite noon sa bar ko, lahat libre, halos pamigay lahat," gunita si Mystica sa takbo ng kanyang karera noon.

Marami din daw siyang naipundar na mga ari-arian.

"Marami akong napundar--mga lupa, mga bahay sa probinsiya, mga bahay dito, mga mansiyon. Pagkatapos, iba pa 'yung mga naiwan ko doon sa States," kuwento niya.

Pero hindi niya natutukan ang mga ito at naibenta din noong nagkaroon ng problema sa kanyang negosyo.

"Lahat ng pinautangan namin, wala, nagsitakbuhan hanggang sa naubos. Nagkaroon kami ng death threat, naiwan na lahat. Hindi na kami bumalik," paliwanag niya.

Pero taong 2016 talaga siya nagkaroon ng matinding problema sa pera. Naging matumal ang kanyang showbiz career at nagkaroon pa ng sakit ang kanyang nag-iisang anak na si Stanley.

2018 nang nakabalik siya sa telebisyon at ginamit ang kinita para bumili ng tatlong sasakyan. Pero sa ngayon, dalawang buwan na niyang hindi nababayaran ang mga ito.

Pakinggang ang opinyon ng isang financial expert sa sitwasyon ni Mystica sa feature na ito ng Investigative Documentaries: