
Dinaan sa biro ng comedienne/vlogger na si Alex Gonzaga ang post ng isang basher na dinamay pa ang kanyang ama na si outgoing Vice Mayor Bonoy Gonzaga.
Alex Gonzaga shows proof that Isabelle Daza is her good friend
Matatandaan na bigong manalo ang ama ni Alex bilang mayor sa Taytay, Rizal at muli uling nahalal si Joric Gacula. Base sa last result ng COMELEC Transparency Server mahigit 19,000 votes ang lamang ni Mr. Gacula kay Bonoy.
Sa comment section ng Instagram page ni Alex Gonzaga, sinabi ng netizen na si @youtubepromotionchannels na “Cancelledt [sic] kana ate girl HAHAHAHHA. Better watch what comes out of your mouth kasi, yan tuloy talo din daddy mo sa election. LMAO.”
Basahin ang naging reply ni Alex sa post ng basher.