
Back-to-school season na ulit kaya naman hindi napigilang mag-balik tanaw ang cast ng upcoming afternoon series na 'Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko' sa kani-kaniyang school experiences.
Kuwento ng Kapuso stars na sina Megan Young at Rayver Cruz, isa sila sa mga pasaway sa loob ng silid aralan kaya lagi silang napapagalitan ng kani-kaniyang teacher.
“Laging pasaway [ako] sa class,” ani Megan.
“Laging maraming tanong sa teacher and aaminin ko teacher's pet ako.”
Sabi naman ni Rayver, “Makulit ako e. Lagi akong napapagalitan ng teacher ko.”
Si Kris Bernal naman, masinop raw mag-aral tuwing nasa paaralan.
“Masipag akong mag-aral,” aniya.
“Siguro kasi ganun ako dinisiplina ng parents ko, lalo na ng mom ko.”
Anu-ano naman kaya ang kani-kaniyang paghahanda nila tuwing balik eskwela?
Panoorin sa ulat ni Lyn Ching: