
Nagkaroon ng mini reunion ang ilang cast members ng dating Kapuso show na Tween Hearts kahapon, July 7, para ipagdiwang ang nalalapit na kaarawan ni Barbie Forteza.
Sa Instagram ni Barbie, makikitang dumalo sina Louise delos Reyes, Derrick Monasterio, Paul Salas, Hiro Peralta, at Joyce Ching kasama ang fiance nito na si Kevin Alimon.
Sulat ni Barbie, “Siyempre, mabibirthday na ko so… #TweenHearts”
Ipinagdiwang ng grupo ang birthday ni Barbie sa isang Korean restaurant kung saan sila kumain at sinorpresa ang aktres. Pagkatapos ay naglaro pa sila sa isang escape room experience.
'Di man nakapunta sa pagdiriwang, pinaramdam naman ni Kapuso actress Bea Binene ang kanyang lungkot na hindi nakasali sa kasiyahan ng grupo.
Wala rin sa mini reunion sina Joshua Dionisio, Jake Vargas, Lexi Fernandez, at Marlo Mortel na kasama sa lead cast ng 2010 series.
Ang Reel Love Presents Tween Hearts ay isang romance drama series ng Kapuso network na nagtapos noong June 10, 2012 na idinerehe ni Gina Alajar.
LOOK: Bea Binene goes back to school, takes up culinary arts
'Tween Hearts' Cast: Where are they now?