
Simula noong lumabas sa Prima Donnas ang Kapuso tween actor na si Vince Crisostomo, marami na ang kinilig sa tambalan nila ni Jillian Ward, na gumaganap bilang Donna Marie.
WATCH: Netizens ship Donna Marie and Cedric in 'Prima Donnas'
Kaya naman sa latest vlog ni Elijah Alejo na gumaganap bilang Brianna sa Prima Donnas, sinagot ni Vince ang tanong ng netizens.
Isa sa mga tanong kay Vince ay kung sino ang kanyang crush na Kapuso actress.
"Kilala niyo po siya as Mayi po," pag-amin ni Vince pagtukoy kay Jillian Ward.
Sinagot din ni Vince kung gusto niyang makatrabaho ang star ng Wait lang... is this love? na si Barbie Forteza.
"Oo naman. Barbie Forteza 'yan e. Ever since bata ako ayan na 'yung pinapanood namin sa movies," sagot ni Vince.
Panoorin ang buong vlog ni Elijah upang makilala nang husto si Vince: