
Kakaibang pre-debut video ang inihanda para sa panganay na anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak.
Imbis kasi na nakasuot ng magarbong gown si Erika, mga two-piece swimwear ang suot ng dalaga para sa kanyang pre-debut video, na gawa ng Nice Print Photography.
Panoorin:
Maraming netizens naman ang humanga sa ginawa ni Erika. Ang ilan ay hinalintulad pa siya sa kanyang nanay na si Ina.
Gaganapin ang selebrasyon na ika-18 na kaarawan ni Erika sa October 19.