
Nasa Japan si Asia's Multimedia Star Alden Richards nang pumutok ang Bulkang Taal noong January 12, 2020.
Dahil dito, nakatanggap ang aktor ng mga akusasyong hindi ito tumutulong sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkan.
Agad naman itong pinabulaanan ng kanyang amang si Richard Faulkerson Sr. Ibinahagi ng tinaguriang "Daddy Bae" na kahit nasa Japan ang anak, humiram pa ito ng pera sa kanya para ipaabot sa isang taong humihingi ng tulong.
Isang tao palang yan boss, kahapon 7:15 ng umaga kahit malayo siya dun sa dapat mabigyan mg tulong, may ginagawa na yan. Thank you. pic.twitter.com/u9GDzYD2ad
-- Richard Faulkerson© ⚡ (@R_FAULKERSoN) Enero 14, 2020
Pauloy din ang tahimik na pagtulong ni Alden sa mga nasalanta sa pamamagitan ng kanyang restaurant branches na tumatanggap ng relief goods para sa mga evacuees.
Ipinagtanggol din ng veteran showbiz writer na si Lolit Solis si Alden na aniya ay kilala sa pagiging matulungin at mapagbigay.
Ganito rin ang naging komento ng isa pang veteran showbiz writer na si Nitz Miralles. Ayon sa kanya, kung hindi ipino-post ng mga artista ang pagtulong sa social media, hindi nangangahulugang hindi tumutulong ang mga ito.
Hanggang ngayon, nananatiling tahimik ang aktor at pinipiling mag-focus sa trabaho at sa pagtulong nang walang publicity.
LOOK: Dingdong Dantes at Rocco Nacino, nakibahagi sa relief operations sa Batangas
LOOK: 'Mia' producers to donate to the victims of Taal Volcano eruption