
Masaya ang Kapuso leading man na si Jason Abalos sa ginawang mabilisang aksyon ng isang bus company matapos niyang ireklamo ang unit nito na nagbubuga ng maitim na usok.
Makikita sa social media posts ni Jason na dismayado siya sa isang bus na pagmamay-ari ng Genesis Transport Service Inc. na lumalabag sa anti-smoke belching campaign.
-- jason abalos (@thejasonabalos) Enero 25, 2020
Sa Instagram Story ni Jason, ibinahagi niya ang naging tugon ng bus company matapos nilang i-call out ito ng Kapamilya comedian na si Vice Ganda.
Ayon sa Genesis, taos-puso ang pasasalamat nila na ipinaalam sa kanila ang naturang insidente at hindi na raw nila pinapabiyahe ang naturang unit.
“Thank you so much for calling out attention via your tweets. We are also pleased to inform you about the prompt action we have taken after you have called us out.
“We have already pulled out that particular bus unit to correct its emission level.
“We would like to assure you that it will be back on the road only after the correction of its smoke emission level.”