
Nostalgic para kay Kapuso actress Glaiza de Castro ang pagbalik sa kanilang lumang bahay sa Valenzuela.
Dahil dito siya lumaki, maraming daw mga alaala ang nakakabit dito.
Ibinahagi niya ang ilang litrato ng kanyang childhood home at pati na ng kanilang pamayanan.
"So pagkatapos kong bumisita sa dati kong eskwelahan, bumisita ako sa dati naming bahay sa Valenzuela. Flashback ang araw na ito bilang dito ako lumaki, pinanganak, naglaro, napalo, nangarap, naligo sa ulan, nag rent ng Game Boy, nag aral, nabaha. Hay hindi na matatapos. Nakakatuwa nalang din makita na mas maayos na ito ngayon. Nakaka miss lang din sila lolo at lola. Salamat sa Tito ko sa pagsama sa amin. P.S. yung pang limang litrato, dati kong kwarto," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Bumisita si Glaiza sa Valenzuela para makipaglaro sa ilang batang ulila na inibitahan ng kanyang dating paaralan na St. Louis College.
WATCH: Glaiza de Castro at Joel Palencia, bumalik sa kabataan sa paglalaro ng mga larong Pinoy
Glaiza de Castro receives birthday surprise from 'All-Out Sundays'