GMA Logo
Celebrity Life

Sheena Halili, ipinagdadasal ang frontliners na naglilingkod sa kabila ng COVID-19 crisis

By Aedrianne Acar
Published March 19, 2020 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News



Sa gitna ng COVID-19 crisis, humihingi ng dasal ang aktres na si Sheena Halili para sa frontliners na patuloy na naglilingkod sa mga mamayang Filipino.

Nakiusap ang Kapuso actress na si Sheena Halili sa kanyang followers na isama sa kanilang mga dasal ang mga frontliner na nagta-trabaho sa kabila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Hello! Sa mga nagtatanong kung kamusta na ako? Heto....... medyo okay naman! 😉 medyo puyat at busy lang talaga ako. Pasensya napo sa post ko wala nako time mag makeup at mag curls. Di ko rin po hilig mag contact lens. So pasensya na talaga kung sinisimplehan ko nalang. Oo nga pala eto na yung mukhang makikita mo @jemanzanero bago ka matulog at pagka-gising. Okay lang ba? . . . Makeup by: @japethmike_purog Hairstyle by: @alexanderhair23 Styled by: @rushxrei

Isang post na ibinahagi ni Sheena Yvette Halili-Manzanero (@mysheenahalili) noong



Sa latest report ng Department of Health (DOH) kahapon March 18, hindi bababa sa 202 COVID-19 cases ang naitala sa bansa at sa kasamaang-palad may 17 na ang namatay sa virus. Nakapagtala naman ang DOH ng pitong pasyente na naka-recover..

Sa Instagram Story ni Sheena, naniniwala siya na mawawala ang sakit na ito sa tulong ng Diyos.


"Sir Lord nalang talaga kailangan naten ngayon. Please offfer a prayer kahit maikling dasal lang para sa mga taong naglilingkod sa bayan, sa mga frontliners naten at para sa safety ng lahat at sa mga taong nasa hospitals.

"In Jesus name! Mawawala na ang virus!"

Ikinasal noong Pebrero 23 si Sheena sa kanyang non-showbiz husband na si Atty Jeron Manzanero sa Quezon City.


MORE ON THE CORONAVIRUS OR COVID-19 UPDATES:

IN PHOTOS: Celebrities who are on self-quarantine due to COVID-19

TINGNAN: Pinoy celebrities, pinairal ang bayanihan sa gitna ng COVID-19

Celebrities who are doing home workout during the COVID-19 quarantine