Celebrity Life

'Prima Donnas' star Althea Ablan gets emotional in a video tribute for her fallen friend

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 14, 2020 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rodrigo Duterte’s fitness to stand ICC trial to be determined by January – Conti
First Airbus A350-1000 in Southeast Asia arrives in the Philippines
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City

Article Inside Page


Showbiz News



Kapuso tween actress Althea Ablan got emotional in a video tribute for her friend, Bruno.

Kapuso tween actress and Prima Donnas star Althea Ablan got emotional in a video message she did as a tribute to her fallen dog, Bruno.

IN PHOTOS: Get to know 'Prima Donnas' actress Althea Ablan

In her latest vlog, Althea recounted how she got Bruno from her in their local church in Parañaque.

“Mayroon po akong friend sa simbahan namin dito sa Paranaque na Mary Help of Christian, pangalan niya is Alex, Ate Alex,” Althea reminisced while holding back her tears.

“So that day, nag-my day siya na may mga puppies siya. Chinat ko siya, 'Ang cute naman ng mga puppies mo.'

“Tapos, sabi niya, 'Bigyan kita.' Tapos napaisip ako na hindi papayag sina mommy.

“And nabanggit ko siya kina mommy so hindi na sila umaway. So inintay namin para mag one-month, or wala pang month si Bruno, bago namin nakuha.

“Sobrang tuwa ko noong nandito na siya sa bahay.”

Ayon kay Althea, naging espesyal sa kanya si Bruno dahil may alaga na rin siyang aso noon pero kailangan niyang ipamigay dahil lumipat sila ng bahay.

“Nakakatuwa lang kasi si Bruno kasi noong unang punta niya rito sa bahay, umiiyak siya. Siguro naninibago,” pag-alala ni Althea.

“Nagtatago siya sa likod ng pintuan, sa lamesa. Ang paborito niyang tambayan is 'yung kuwarto nila kuya.

“Naalala ko nga sa box pa namin siya pinapatulog e.”

Sa gitna ng kalungkutan, masaya naman si Althea sa kanyang asong si Bruno dahil nasa langit na ito.

“Happy naman ako para sa kanya kasi nasa heaven na siya,” sambit ni Althea bago tuluyang umiyak.

“Nakakapanibago kasi t'wing umaga, siya yung gumigising sa akin. Pupunta niya sa kuwarto tapos tatalunan niya ako, kakagatin niya ako ganyan para magising ako.

“Tapos lagi siyang nagpapapansin and 'yung way niya para magpapasin ay kakagatin niya 'yung slippers ko.”

Ayon kay Althea, bigla na lang nagsuka si Bruno at nanghina kinaumagahan.

Panoorin ang emosyonal na tribute ni Althea sa kanyang aso:


LOOK: Adorable celebrity pets on Instagram