GMA Logo
Celebrity Life

UP Pep Squad, sumaludo sa PGH, COVID-19 frontliners sa pamamagitan ng kanilang video performance

By Cherry Sun
Published April 14, 2020 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page

Showbiz News

Isang video performance ng 'Unibersidad ng Pilipinas' cheer ang ginawa ng UP Pep Squad upang ihayag ang kanilang taos-pusong pasasalamat at pagmamalaki para sa Pambansang Pagamutang Bayan na PGH at sa lahat ng frontliners na naglilingkod laban sa COVID-19.

Ang video kung saan tampok mismo si PGH Director Dr. Gerardo Legaspi at kapwa frontliners ay inupload ni Brent Andrew G. Viray sa kanyang Facebook page. Si Brent ay dati ring miyembro ng UP Pep Squad at ngayon ay nagsisilbing doktor sa PGH.

Ani Brent, “UP Pep Squad sending forth the UP community in this trying times of COVID-19. Thank you for all the efforts in uplifting the country.”

Kalakip sa video ang lahat ng ambag ng UP community sa pagsugpo ng COVID-19 at pati na ang kanyang paghimay sa matapang at matalino na pahayag ni Dr. Legaspi sa pangako nitong serbisyo at ng ospital sa gitna ng banta ng kinatatakutang sakit.

PANOORIN:

Nagsimula bilang referral center para sa COVID-19 patients ang PGH noong March 30.