
Patuloy ang pagpapadala ni Bae-by Baste ng mga donasyon para sa PNP at medical frontliners.
Noong Biyernes, April 17, ipinadala ni Bae-by Baste ang second batch ng kanyang donations para sa mga kapulisang nagsisilbing frontliners ngayong may banta ng COVID-19. Maalalang una siyang nag-donate ng care packages sa PNP noong April 15.
Sambit ng batang Eat Bulaga dabarkad, “Para sa atong mga dabarkads nga PNP Frontliners.... daghang salamat po sa inyong pag serbisyo para sa katawhang Pilipino. Saludo po kami sa inyo.... in our own little way, sana po ay makapag bigay ng ngiti po ito sa inyo... ipag-pray ko po kayong lahat.”
Nag-abot din si Bae-by Baste ng donasyon sa medical frontliners sa Saint John the Baptist Medical Center ng Barangay Parian, Calamba City, at pati na sa PNP frontliners sa Kiangan building sa Camp Crame.
Ang Papa Sol ni Bae-by Baste ay kabilang sa PNP personnel na naglilingkod ngayon bilang isang frontliner.
RELATED CONTENT:
Baeby Baste asks people to stay at home and pray amid COVID-19 pandemic
IN PHOTOS: Mga celebrities na naghatid ng tulong sa frontliners