
Ngayong nasa bahay lang ang mga bida ng Prima Donnas dahil sa enhanced community quarantine, inamin nila na binigyan sila ng ilang house rules ng kanilang mga magulang.
Kuwento ni Jillian Ward, sinabihan lang silang magkakapatid ng kanilang mga magulang na 'wag masyadong mag-cellphone para hindi lumabo ang mata.
Saad niya, “Siguro 'yung ano nga po. wag mag-phone masyado, 'yung ipahinga 'yung mata kasi 'di ba parang nakakalabo ng mata lalo na po sa amin, 'yung genetics namin.”
“Pero, hinahayaan naman po nila kami kasi bata pa lang kami na-engrain na sa amin 'yung house rules talaga, so walang additional house rules ngayon.”
Sa bahay naman nina Althea Ablan, dapat ay patay na ang Wifi pagsapit ng 10 ng gabi.
“10 o'clock po, kailangan patay na 'yung Wifi para din makatulog kami nang maaga kasi late na kami natutulog,” saad ni Althea.
Para naman kay Sofia Pablo, ang pag-a-alcohol at paghuhugas ng kamay ang pinapaalala ng kanyang mga magulang bilang pag-iingat sa COVID-19.
“Wala naman po. Ang naging rule lang po niya sa akin ay every hour ay mag-alcohol at mag-wash ng hands,” pag-amin ni Sofia.
Prima Donnas temporarily went off-air after GMA Network suspended the production of its shows because of the Luzon-wide enhanced community quarantine.
Onanay, which stars Mikee Quintos, Kate Valdez, Jo Berry, Cherie Gil, and Ms. Nora Aunor, airs in lieu of Prima Donnas on GMA Afternoon Prime.
Full catch-up episodes of Prima Donnas are still available on GMANetwork.com and in the GMA Network App.