
Ginantihan ng aktor na si Will Ashley ang kanyang co-star sa Prima Donnas na si Althea Ablan.
Sa vlog kasi ni Althea ay nabiktima niya si Will sa isang na kunwari ay bumibili ng manok. Ganti naman ni Will, kunwari ay mananalo si Althea ng 5k na ayuda at isang sakong bigas.
“Kung nakita niyo mga vlog nina Thea 'tsaka ni Bruce [Roeland,] nabiktima nila ako sa prank call nila,” paliwanag ni Will sa simula.
“Siyempre, well, hindi siya nagtagumpay na i-prank ako. Bruce, practice, practice pa.
“Humanda kayo sa akin. At kay Thea, aminin na natin na na-prank ako kahit papaano.
“Thea, ito na ang oras para bumawi ako sa 'yo.”
Maniwala kaya ni Althea na nanalo siya sa isang 'raffle' ng 5,000 at isang sakong bias?
Panoorin:
Kahit na hindi napapanood sa telebisyon ang Prima Donnas dahil sa COVID-19, maaari pa rin balikan ang full episodes nito sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.
RELATED LINKS:
Althea Ablan pranks 'Prima Donnas' co-stars and Ryzza Mae Dizon