GMA Logo Rufa Mae Quinto birthday party
Celebrity Life

Rufa Mae Quinto, nagdaos ng simpleng birthday party habang naka quarantine

By Marah Ruiz
Published June 1, 2020 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Quinto birthday party


Simple lang ang naging birthday party ni Rufa Mae Quinto dahil naka quarantine pa rin ang ilang bahagi ng Amerika.

Nasa San Francico, California pa rin si sexy comedienne Rufa Mae Quinto kung saan inabutan siya ng quarantine na dulot ng COVID-19.

Doon na rin niya ipinagdiwang ang kanyang birthday noong nakaraang Huwebes, May 28.

Kabilang ang San Francisco sa mga lugar na may mandatory "shelter-in-place" order. Ibig sabihin nito, dapat manatili sa kanilang mga tahanan ang mga residente dito.

Gayunpaman, nag-enjoy pa rin si Rufa Mae dahil kasama niya ang kanyang anak na si Alexandria at asawang si Trevor Magallanes.

"Sino ba sa amin ang may birthday at sila ang nag blow ng candles ko? I love you guys @trevvvsilog and @alexandriamagallanes , shelter in place birthday , nag luto Lang mother in law ko ng dinner namin, ito ang ganap ng birthday ko , so sweet of them . I'm so lucky to have a family in the US," sulat niya sa Instagram kalakip ng ilang litrato kasama ang birthday cake niyang may mga kandila.

Sino ba saamin ang May birthday at sila ang nag blow ng candles ko? I love you guys @trevvvsilog and @alexandriamagallanes , shelter in place birthday , nag luto Lang mother in law ko ng dinner namin, ito ang ganap ng birthday ko , so sweet of them . I'm so lucky to have a family in the 🇺🇸

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto) on


Nagdaos din siya ng simpleng salu-salo sa kanilang bakuran.

My Simple birthday celebration in the backyard #Barbecue #happybirthday #happybirthdaytome

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto) on


Ilang Filipino food na miss na miss na daw niyang kainin ang naging bahagi ng handa ni Rufa Mae.

"Todo na to , ngayon ko Lang na post pero may 28 ito , noong birthday ko talaga, na share ko Lang . Go go go! Fish ball, Isaw, burong Isda kapampangan , sinigang na hipon, mussels, chicken and pancit for long life, okra, talong . Mga Filipino food na na miss ko kainin sa Pilipinas," aniya.

Todo na to , ngayon ko Lang na post pero may 28 ito , noong birthday ko talaga, na share ko Lang . 😊 Go go go! Fish ball, Isaw, burong Isda kapampangan , sinigang na hipon, mussels, chicken and pancit for long life, okra, talong . Mga Filipino food na na miss ko kainin sa Pilipinas.

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto) on


Matatandaang Pebrero lumipad patungong Amerika si Rufa Mae kasama ang kanyang anak na si Alexandria para makapiling ang asawang si Trevor.


Dalawang linggo lang ang plano niyang pamamalagi sa Amerika pero hindi na nakabalik ng Pilipinas dahil sa lockdown doon.