GMA Logo Rocco Nacino helps in his house construction
Celebrity Life

Rocco Nacino, tumulong sa construction work ng kanyang bahay

By Jansen Ramos
Published June 5, 2020 3:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino helps in his house construction


Dahil kulang sa trabahador, minarapat ni Rocco Nacino na tumulong sa mga pagawain sa kanyang bahay tulad ng paglalagay ng tiles.

Dahil sa COVID-19 quarantine, nahinto ang konstruksyon ng bahay ni Rocco Nacino sa Antipolo.

Kung tutuusin, pwede na itong tirhan dahil may ilan na lang minor works na kailangan tapusin tulad ng paglalagay ng ilang detalye sa exterior ng bahay.

Sa katunayan, plano na niyang lumipat dito noong Marso ngunit naudlot lang sanhi ng banta ng COVID-19.

Ilang araw matapos ipatupad ang general community quarantine sa Rizal, minarapat ni Rocco na ituloy na ang ilang pagawain sa kanyang bahay.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Descendants of the Sun PH actor ang isang video kung saan makikitang tumutulong siya sa paglalagay ng tiles sa facade ng kanyang bahay.

kinulang ako ng workers.. kaya ako na mismo ang nagtrabaho at tumulong kay kuya. 👍🏼 good workout!

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

Aniya, kulang siya sa trabahador kaya nagprisinta siyang tulungan ang nag-iisa niyang construction worker para mapabilis ang trabaho. Ika niya, "god workout" ang nasabing tiling job.

Makikita rin sa video na nakasuot si Rocco at kanyang mga kasamahan ng face mask, alinsunod sa safety measures kontra COVID-19.

Sa huling parte ng video, nagbigay ng mini tour ang Kapuso star sa kanyang ipinapatayong bahay.

Ipinasilip niya ang kanyang game room, patio, office, master bedroom at ang ensuite toilet and bath.