
Masaya daw si Kapuso actress Mikee Quintos sa pagre-replay ng ilan sa kanyang nakaraang shows ngayong quarantine.
Pero dahil muli niyang napanood ang mga palabas na ito, may malalaking realizations daw si Mikee tungkol sa kanyang career.
Limang taon pa lang siya sa showbiz, pero suwerteng naging bahagi ng mga hit shows tulad ng Encantadia at Onanay.
Dahil dito, napagtanto niya na malaking pressure pala ang ibinibigay niya sa kanyang sarili.
"I realized I put so much pressure on myself because of all those things. I have to keep it up, if not sustain it. I have to level up as an artist with my talents and everything.
"Because of that, ang laki ng pressure pala na binibigay ko sa sarili ko. Hindi na ko nagiging okay dahil sa pressure na 'yun," kuwento ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Bukod dito, na-realize din niyang hindi mula sa ibang tao ang pressure na nararamdaman niya sa trabaho noon.
"Sa akin lang nanggagaling 'yung pressure na 'yun. 'Yung lagi kong sinasabi na I have to be better because of this and that, lahat 'yun akala ko dahil binibigay sa akin ng managers ko, ng handlers ko, 'yung team, and everyone else, even the fans.
"'Yun pala hindi sila. I was looking at it, i was taking it all in the wrong way. Ako lang 'yung nagbibigay noong negative feeling na 'yun sa sarili ko," pagpapatuloy niya.
Isa raw ito sa mga realizations niya ngayong quarantine.
"Sobrang laking tulong ng ECQ kasi feeling ko hindi ko maaamin sa sarili ko kung hindi natin pinagdaanan 'tong pandemic. 'Yun nga 'yung breakthrough ko. Nagbago nga ako sa gitna ng lahat. First few weeks, stuck pa ko doon sa feeling na 'yun. Hindi ko pa naa-acknowledge 'yung pressure na 'yun," aniya.
Nakatulong din daw na nakausap niya ang kanyang mga magulang tungkol dito.
"In the middle of it all, nagkaroon ako ng moment with my parents na kinakausap ko sila about it for the first time ever. Napa-realize nila sa akin na hindi naman sila nagbago and hindi naman sila nagbibigay ng pressure na 'yun. Kahit anong mangyari, they're always gonna be there," bahagi ni Mikee.
Naging maluwag na daw ang kanyang pakiramdam nang tanggapin niya ito tungkol sa kanyang sarili.
"Ang sarap! Para 'kong natanggalan ng bigat sa shoulders. Feeling ko din mas makakapag-deliver ako. Mas makakagawa ako ng magagandang projects 'pag tinaggal ko 'yun sa saili ko. If I just started believing in myelf again, which I lost," pahayag niya.
Alamin ang iba pang realizations ni Mikee tungkol sa kanyang buhay-artista sa eksklusibong video na ito.
Minsan nang inamin ni Mikee na very humbling para sa kanya ang nangyayaring pandemic.
Gayunpaman, patuloy lang siya sa pagtatrabaho tulad ng pagbabalik niya sa vlogging at paghahanda ng ilang pang personal projects.