Celebrity Life

Mikee Quintos, mas close daw sa kanyang fans ngayon

By Marah Ruiz

Habang quarantine, mas naging malapit daw si Kapuso actress Mikee Quintos sa kanyang mga tagahanga.

Mas nabigyan kasi siya ng panahon para buksan niya ang kanyang puso sa impluwensiya ng mga ito sa kanya.

"Mas naging close ako, mas minahal ko 'yung fans ko ngayon. Nakita ko 'yung importance nila in a deeper sense. Mas minahal ko sila kasi 'yung effect nila sa akin iba na ngayon because I let them in. I let that power that they have on me in," kuwento ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Sa limang taon niya sa showbiz, natututo daw si Mikee na umiwas sa negative aspects nito. Pero ang pag-iwas na ito din ang naging hadlang sa mas bukas na komunikasyon niya sa kanyang fans.

"I think na develop ko din 'yun kaka-block ng mga bashers throughout the years. Tinigil kong magbasa ng comments. 'Yung wall na binuild ko para maging strong ako at hindi ako ma-affect sa mga bashers somehow naging hindrance din sa mga fans na nagmamahal sa akin," pahayag ni Mikee.

Positibo daw kasi ang naging impluwensiya sa kanya ng kanyang mga tagahanga.

"Huwag pala dapat mag-block, na realize ko. Doon ka nago-grow eh, if you let them in. If you accept the love, mamahalin mo din sila because they make you a better person. Hindi lang sila basta lang fans na nandiyan. Naging part na sila kung sino ka. They made you better," paliwanag niya.

Alamin kung paano tumibay ang relasyon ni Mikee sa kanyang fans sa eksklusibong video na ito.



Minsan nang inalala ni Mikee ang emosyonal na encounter niya sa isang Onanay fan.

Bukod dito, mas napahalagahan daw niya ang mga nagtatrabaho sa likod ng camera ngayong quarantine.