
Noong Marso, sa simula ng pagpapairal ng enhanced community quarantine, napili ni Gabby Concepcion na mamamalagi sa kanyang beach property sa Lobo, Batangas. Ano-ano kaya ang pinagkakaabalahan ng aktor doon matapos ang halos apat na buwan?
Makikita sa social media posts at vlogs ni Gabby na sinasamantala niya ang pagkakataon upang mag-ayos at magkumpuni sa kanyang bahay-bakasyunan, maghanda ng mas malulusog na pagkain, at magpahinga at manatiling ligtas mula sa COVID-19.
Ilan sa kanyang ibinahagi tungkol sa kanyang buhay-probinsya ay ilang kuwento tungkol sa dati niyang tirahan, ang mga karanasan ng mga mangingisda, at pati na ang pagbibigay niya ng donasyon para sa mga residente ng Lobo.
TINGNAN: Ang buhay probinsya ng mga artista sa gitna ng COVID-19 outbreak
Then And Now: Photos of Gabby Concepcion that prove he ages like fine wine