GMA Logo Macoy Dub and Inka Magnaye
Celebrity Life

Viral stars Macoy Dubs at Inka Magnaye, may TikTok duet para sa isang sexy voice tutorial

By Cherry Sun
Published July 8, 2020 4:58 PM PHT
Updated July 8, 2020 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Macoy Dub and Inka Magnaye


Keri kaya ni Macoy Dubs ang sexy voice tulad ng kay Inka Magnaye? Panooring ang kanilang nakakaaliw na TikTok duet dito.

Nag-duet sa TikTok ang viral stars na sina Macoy Dubs at Inka Magnaye para sa isang sexy voice tutorial.

Inimbitahan ni Inka si Macoy na sundin ang kanyang steps para makapagsalita sa sexy na boses.

Aniya, “I think it's time I do a little Sexy Voice Tutorial. If you have TikTok, please duet this and try it! I wanna hear your beautiful voices.”

Game na game namang sinubukan ito ni Macoy. Pagtugon niya, “Challenge accepted mumsh @inkamagnaye.”

Ikinatuwa rin ni Inka ang nagawa nilang duet.

Pagpuna niya kay Macoy, “SOBRANG YAAAASS. Fave ko yung shoulder.”

Panoorin ang kanilang duet:

Maaalalang si Inka ay naging viral bilang isa sa mga boses ng isang leading airline, habang si Macoy naman ay sumikat dahil sa kanyang memes at nakakatuwang TikTok videos.

IN PHOTOS: Kilalanin ang internet sensations ngayong 2020

Sino si Inka Magnaye na trending dahil sa 'Bawal Judgmental' ng Eat Bulaga?