
Maglalabas daw ng music video si Kapuso singer and actress Marika Sasaki para sa kanyang kanta na "Ganito Na Pala Ang Pag-ibig."
Matatandaang ito ang ginamit na theme song para sa hit Korean series na Strong Girl Bong Soon na umere sa GMA The Heart of Asia.
Ayon sa isang Instagram post ni Marika, ilalabas niya ang music video sa July 21 sa kanyang official YouTube channel.
Bago ito, nagkaroon siya ng contest sa kanyang Facebook account kung saan nag-challenge siya sa kanyang mga followers na gumawa ng song cover ng "Ganito Na Pala Ang Pag-ibig."
Tatlo ang mapipiling panalo at mafi-feature sa kanyang YouTube channel. Mananalo din ng cash prizes ang mga ito.
Habang hinihintay ang release ng kanyang music video, panoorin muna ang performance ni Marika ng "Ganito Na Pala Ang Pag-ibig" sa GMA Playlist.
Related:
LOOK: Marika Sasaki meets viral Japanese student, Kuya Omurice
Playlist feature: Marika Sasaki thanks GMA for allowing her to perform beyond 'Walang Tulugan'