
Masayang masaya umano si Jose Sarasola sa kanyang pagpirma bilang bagong talent ng GMA Artist Center.
Kuwento ni Jose sa Quiz Beh! ay nabibigyang pansin na ngayon ang kanyang expertise sa pagluluto. Bukod sa pag-aartista, si Jose ay kilala rin bilang isang chef.
"Siguro the main thing that I am enjoying right now sa paglipat ko dito with you guys is talagang pinu-pursue ko 'yung chef career ko."
Saad pa ni Jose, dati ay puro acting lang ang kanyang ginagawa. Ngayon nakakapagbahagi na siya ng kanyang mga recipes sa mga Kapuso viewers.
"Before I was really focusing lang sa acting. Pero ngayon yung pagiging chef ko talaga napu-push dito. Sa UH (Unang Hirit), showing people mga easy and quick recipes that they can do at home na hindi nakakastress, hindi nakakapagod. The ingredients are very easy to find."
Ibinalita ang pagpirma ni Jose sa GMA Artist Center nitong June 2020.
ALSO READ:
Jose Sarasola gives advice to small business owners amid the GCQ
IN PHOTOS: Meet the new talents of GMA Artist Center