Article Inside Page
Showbiz News
Kilala si Bianca King sa kanyang pagiging kontrabida, but is she the same in real life?
Kilala si Bianca King sa kanyang pagiging kontrabida, but is she the same in real life? At magiging kontrabida ba siyang muli sa kanyang next project? Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio.

Masasabing isa na sa mga pinakakilalang kontrabida ngayon ang young actress na si Bianca King. Sunod-sunod kasi ang kanyang mga naging television shows kung saan siya ay nakita ng mga manonood na nagtataray at nang-aapi sa kanyang mga co-stars. Ngunit gaano nga ba kalapit ito sa kanyang true personality off-camera?
Ayon kay Bianca, never niyang nadadala ang kanyang katarayan off-camera. “I think I’m very bubbly,” she says. “I think I’m very ma-PR, especially po yung sa mga staff. At saka sa mga kasama ko sa work, sobrang ma-chika ako.”
Mahalaga naman para sa kanya ang maging friendly sa totoong buhay in the showbiz industry. “The most important thing to me about my work, about this industry, is camaraderie, kasi parang nag-create ka dun ng mga rapport to the people you work with, para when you go to work everyday, magaan yung pakiramdam.”
Hindi ba siya naaapektuhan sa tuwing mai-issue siya na kontrabida din sa totoong buhay o sa tuwing madadamay siya sa mga usap-usapan dahil sa mga ganitong klaseng roles siya nakilala?
“I’ve never created any issue. I don’t think I should say nai-involve. Ayoko rin namang sabihin na nadadama,” sagot niya. “Dahil at this point in my career, kontrabida yung role ko sa TV, madaling i-connect na ‘Siguro ganyan talaga ‘yan, kasi kaya siya siguro kontrabida sa show kasi ganyan din siya sa totoong buhay.’ Madaling sabihin ang ganun.”
Dagdag pa niya, “I don’t think na magagawa ko pong i-respeto yung parents ko, at magsimba, at mag-aral, if my head wasn’t screwed on straight.”
Meanwhile, ano naman kaya ang mga maaasahan ng mga fans kay Bianca na next project?
“For GMA, aside from
Party PIlipinas, yung susunod na soap hindi ko pa alam. Usually kasi mga 2 or 3 months pa kaming nagpapahinga. Pero I have mga movie offers,” pagkukuwento niya.
Hindi naman daw kontrabida ang kanyang magiging role this time kung tatanggapin niya ang mga movie offers sa kanya.
“I have two indie movie offers na pinag-aaralan ko pa kung anong gagawin ko. Pero they’re both lead roles,” she reveals.
Pag-usapan si Bianca sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get the latest updates on Bianca.
Just text BIANCA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers,
text GOMMS (space) BIANCA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.