GMA Logo Isabelle Daza at nag viral na guro
Celebrity Life

Isabelle Daza, hinahanap ang viral teacher na nawalan ng trabaho

By Dianara Alegre
Published August 24, 2020 4:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Elusive December sun leaves Stockholm in the dark
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Isabelle Daza at nag viral na guro


Humingi ng tulong si Isabelle Daza sa mga netizens na mahanap ang teacher na nag-viral sa social media.

Nag-viral sa social media ang larawan ng isa umanong private school teacher na napilitang magtinda ng tinapay at iba pang pagkain matapos mawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang netizen na si Karlo Ternora ang nag-post ng larawan ng ginang at aniya, nagpapakarga siya ng gasolina nang lapitan siya ng guro para alukin ng mga paninda nito

“Ang sakit sa puso makita mga gantong guro na nawalan ng trabaho. At nagbebenta sa labas para makaraos. Going home from my friend's house I decided to re-fill muna, while waiting for my change. Biglang lumapit sa 'kin si Ma'am. She even called me 'Anak, baka gusto mo bumili ng paninda ko.'"

“As I heard the word anak naalala ko bigla mga guro ko, mga pangalawang nanay natin sa eskwelahan. I asked, 'What happened po sa inyo? Sabi n'ya, 'Wala na ako trabaho kasi dahil sa pandemic' as what it says sa hawak niya.

“I asked her permission kuhanan ko siya. Sana matulungan natin mga naging pangalawang magulang natin. Sila din tumulong satin matupad pangarap natin. Salute to all the teachers,” aniya sa post."

Nakarating ito sa aktres at modelong si Isabelle Daza at hiningi nito ang tulong mga mga netizens para mahanap ang nasabing guro.

Sa post niya sa kanyang Instagram Story nitong Linggo, August 23, nagpatulong siya sa netizen na mahanap ang guro para direkta siyang makapaghatid ng tulong.

Sa mga hindi nakakaalam, dating isang pre-school teacher si Isabelle. Nagtapos siya ng Bachelor's
Degree in Early Childhood Education mula sa De La Salle University.

Isabelle Daza nagpatulong sa netizens para mahanap ang nag viral na teacher

Source: isabelledaza (IG)

Samantala, sa panibagong update ni Karlo patungkol sa naturang ginang, nakipag-ugnayan na umano ang GMA News sa kanya para makapanayam ang teacher.