GMA Logo Toni and Alex Gonzaga with Lloyd Cadena
Celebrity Life

Alex Gonzaga pays tribute to fellow vlogger Lloyd Cadena

By Jansen Ramos
Published September 4, 2020 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Toni and Alex Gonzaga with Lloyd Cadena


Nagbigay-pugay si Alex Gonzaga sa kanyang kapwa vlogger na si Lloyd Cadena matapos itong pumanaw. "Saglit lang tayo nagsama para sa collab natin pero..."

Isa si Alex Gonzaga sa mga nabigla sa pagpanaw ng kanyang kapwa vlogger na si Lloyd Cadena.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, September 4, nagbigay-pugay si Alex kay Lloyd sa pamamagitan ng pag-alala sa kanilang collaboration kasama ang kapatid ng aktres na si Toni Gonzaga noong 2018.

Rest in peace Lloyd Cadena... Saglit lang tayo nagsama para sa collab natin pero i witnessed how your mere presence can lighten and bring joy sa mga nakapaligid sayo.. Marami kami napasaya mo at hindi makakalimot...❤️😭

Isang post na ibinahagi ni Alex Gonzaga (@cathygonzaga) noong

Ani Alex, "Rest in peace Lloyd Cadena... Saglit lang tayo nagsama para sa collab natin pero i witnessed how your mere presence can lighten and bring joy sa mga nakapaligid sayo.. Marami kami napasaya mo at hindi makakalimot..."

Samantala, hindi rin napigilang malungkot ni Toni sa pagkamatay ni Lloyd.

Ika niya sa kanyang Instagram Story, "You will always be loved and never be forgotten @lloydcafecadena."

Matatandaang nagkaroon ng collaboration ang Gonzaga sisters at si Lloyd, na ini-release sa YouTube channel ng huli, bilang parte ng promotion ng magkapatid para sa kanilang MMFF movie na Marry, Marry Me.

Sa ngayon, may mahigit five million views na ang nasabing vlog kung saan tila nalagay sa hot seat sina Alex at Toni nang sagutin ang ilang katanungan ng netizens.

Panoorin dito:

ALSO READ: Macoy Dubs and other celebrities mourn Lloyd Cadena's death