
Tila Pasko na sa bahay ng mag-asawa at kapwa Kapuso stars na sina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan.
Sa isang Instagram post, nagbahagi si Arhtur ng isang nakaaaliw na video ni Rochelle habang nasa kusina.
"Hindi pa siya tapos mga kaibigan, hindi pa siya tapos. Mayroon na namang bagong kanta," sambit ni Arthur sa video.
Patagong kinukunan ni Arthur si Rochelle na nagluluto habang sumasayaw at kumakanta ng "Wish Ko Sa Pasko," isang Christmas song mula sa grupo niyang SexBomb Girls.
"Pasko na naman bitin pa rin ako / Sa pag-ibig na pinapangarap ko / Pasko na naman sana'y malaman / Wish ko lang sana sa Pasko ikaw na ang papa ko," awit ni Rochelle habang umiindak sa harap ng kalan.
"Ako na nga," biro ni Arthur.
"Ikaw nga," pagsang-ayon ni Rochelle.
Ang awit na "Wish Ko Sa Pasko" ay bahagi ito ng SexBomb Girls 2002 Christmas album na pinamagatang din 'Wish Ko Sa Pasko.'
Nakatanggap pa ito ng nominasyon sa Awit Awards para sa Best Christmas Recording.
Panoorin ang ang cute video nina Arthur at Rochelle dito:
Samantala, nabanggit kamakailan ni Rochelle na open siya sa magkaroon ng reunion ang SexBomb Girls dahil nais niyang kumanta muli sila ng Christmas songs bilang isang grupo.