
Nais daw ipakita ni Rica Peralejo ang tunay na itsura ng kanyang bahay kaya hindi siya nagligpit o naglinis nang gumawa ng isang house tour para sa kanyang vlog.
Bago ipanganak ang kanyang bunsong si Manu, gumawa na raw si Rica ng isang video tour. Dahil ibang-iba na raw ang kanilang pamilya ngayon at dahil na rin sa request ng kanyang fans, muling ipinasilip ng dating aktres ang kanyang tahanan.
Dagdag din niya, kailangan din nilang gumawa ng ilang home improvements sa kanilang bahay na kanilang tinitirahan simula pa noong 2016.
Wika ni Rica, “I'm going to show you a lived-in house. Expect kalat, real life po tayo. Hindi ako magpe-pretend sa inyo. Medyo inayos ko naman.
“We've been living in this house since 2016, I think. And also at the same time, we were stranded in the US for six months… So dahil na-stranded kami, pag-uwi namin, ang dami naming na-discover sa bahay naming na kailangan ayusin.”
Ipinakita ni Rica ang kanilang study area kung saan gagawin ang homeschooling ng kanyang isa pang anak na si Philip. Ikinuwento rin niya ang planong renovation ng gilid ng kanilang bahay upang lagyan ito ng garden at ayusin ang kanilang laundy room.
Dinala rin niya ang kanyang manonood sa second floor kung nasaan ang kanilang living at dining areas, at pati na ang kusina.
Sa third floor naman matatagpuan ang kanilang master's bed room. Ani Rica, plano niyang i-convert at gamiting dresser at office area ang cabinet sa kanilang kwarto bilang adjustment sa new normal.
Matapos maglibot sa kanilang bahay, nagbigay din ang dating aktres ng isang ref tour.
Wika niya, “'Di ba sabi nila, you are what you eat. So ngayon malalaman niyo na ano ba ang Bonifacio family by what they store.”
Ikinatuwa rin ni Rica na tila na-enjoy ng kanyang viewers ang kanyang ginawang house tour.
Bahagi ng kanyang isinulat sa Instagram, “I was actually hesitant to show the real state of our house kasi baka wala naman ma-inspire BUT IT TURNS OUT THAT YOU GUYS LIKE IT?!? Thank you.
“I really also wanted to be real naman to send a message to all that there is no such thing as a completely maayos na house lalo if you have kids. Pag masyado maayos actually either 1) inayos lang yun for the shoot (which is not naman bad or inauthentic cause if you are trying to share styling tips, maganda siguro namang ayusin) or 2) hindi masaya yung mga bata sa bahay na yun WAHAHAHA. Hula ko lang yan... hehe.”
Panoorin ang kanyang house tour dito: