GMA Logo mimiyuuuh moves in to new house
Celebrity Life

Mimiyuuuh, lumipat na sa bago niyang bahay

By Aedrianne Acar
Published October 13, 2020 10:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma makes landfall in Eastern Samar—PAGASA
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

mimiyuuuh moves in to new house


Vlog ng YouTube star na si Mimiyuuuh sa kanyang bagong bahay, may 1M views na!

Hindi maitago ng Pinoy YouTube star na si Mimiyuuuh ang kanyang excitement na ipasilip sa ang bago niyang bahay sa kanyang mahigit 3.1 million subscribers.

Sa vlog ng social media influencer at endorser noong September 30, nagbigay ng ilang update si Mimiyuuuh sa paglipat nila sa kanilang new house at mga naging delay sa pag-process ng kanilang home loan.

Sambit ng content creator, “Ang bahay namin ay ni-loan ko, pero itong aming pinag-loanan ,e, parang napakatagal po talaga or baka sadyang matagal lang po talaga ang loaning.

“Kasi, parang one month na po or two months na po kami parang nag-aantay ng kanilang, you know, approval and all. Pero last week po, last Monday, nag-sign na po ako ng mga papers-papers.”

Nito namang Sabado, October 10, may patikim na si Mimiyuuuh sa kanyang fans sa new crib niya nang inupload ang vlog na "69 QUESTIONS WITH MIMIYUUUH SA BAGONG BAHAY."

As of writing nasa mahigit one million views na ang naturang vlog at nasa Top 6 trending list siya sa YouTube.

Source: Mimiyuuuh's YouTube page

Sa latest vlog ng sikat na YouTuber, sinagot niya ang ilang tanong tulad ng kung ano gagawin niya kapag nanalo siya ng PhP100 million.

“Ipu-full payment ko na po itong aming bahay and 'yung matitira talagang give education sa mga nahihirapan makapag-aral

Samantala, hangad ni Mimiyuuuh na maging stable na ang kanyang buhay 10 years from now at magiging abala din daw siya sa pagtulong sa ibang tao.

Saad niya, “Sana, e, okay na ang aking buhay and nag-gi-give back na ako siguro 10 years from now.”

Taus-puso din ang pasasalamat niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan na walang sawang sumusuporta sa kanya.

Wika ni Mimiyuuuh, “Thankful ako kay God kasi binigay niya itong opportunity sa akin na to give good vibes to everyone. To my family, friends who keep on supporting me,”

Kapuso Showbiz News: Julie Anne San Jose tuwang-tuwa nang makilala si Mimiyuuuh

Mimiyuuuh releases official audio of debut single "DYWB (Drink Your Water B*tch)"

TINGNAN: Mga naipundar ng sikat na vloggers at social media stars