What's Hot

Paulo Avelino, magpapa-sexy na ba?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 31, 2020 9:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA thinking anti-tanking, considers setting lottery order March 1 — report
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Masaya si Paulo para sa fellow StarStruck graduate na si Aljur Abrenica, ang bagong Machete. Handa na ba si Paulo na tumanggap ng mga daring roles tulad ni Alur
Paulo Avelino levels up at isa na siyang leading man sa bagong fantaserye ng GMA, ang 'Alakdana'. Isusunod na kaya niya ang pagtanggap sa mga mas sexy na roles? Text by Karen de Castro. Photo courtesy of GMA Network. stars Isa na ngang ganap na leading man si Paulo Avelino sa kanyang bagong soap, ang afternoon drama fantaserye na Alakdana na magsisimula na ngayong January 24. Kakaibang-kakaiba ang kanyang dating dito dahil from playing bad boys sa kanyang mga previous roles, dito ay siya naman ang magiging good guy. “Well, first of all, yung hair ko kasi, nagbago na. The Mohawk is [gone], and pa-good looking na boy,” says Paulo. “Good naman talaga yung character, and it’s exciting because it’s different from the other one [his role in Ilumina] and mas challenging talaga.” Itinuturing naman niya ang kanyang bagong role bilang isang leading man bilang kanyang fresh start para sa taong 2011. “Actually, speaking of starting again, maraming plano, maraming details, maraming gagawin din para bumalik on track,” he shares. Kasama ba dito sa kanyang mga planong ito ang pagpapa-sexy? “Yes, part ng plans yung being sexy, yung mas mature,” sagot niya. Ano naman ang reaksiyon ng kanyang girlfriend na si LJ Reyes sa kanyang plano na ito? “Okay naman,” nakangiti niyang sagot. Hindi naman kaya siya nainggit dahil sa pagpapa-sexy ng kanyang kasabayan sa Starstruck na si Aljur Abrenica, na ngayon ay bibigyang-buhay naman si Machete? “About Aljur’s career, okay naman. I’ve known Aljur since Starstruck e. Matagal na talaga niyang pangarap yung Machete. Kumbaga, siguro 'yung mga binuild-up niya para sa sarili niya, para dito sa Machete. E nakuha niya,” paliwanag ni Paulo. “ I’m very proud, I’m very happy bilang kaibigan niya at saka katrabaho niya, at bilang kasama rin sa Starstruck.” But if bibigyan siya ng role na kasing-sexy ng kay Aljur ngayong taon, handa ba siyang tanggapin ito? “Kung mala-Machete, okay rin,” he says. “Hindi ko tatanggihan 'yun. Medyo maghahanda na rin sa susunod.” Sa ngayon, abangan si Paulo sa kanyang unang lead role sa Alakdana ngayong Lunes, January 24, after Eat Bulaga on GMA. Pag-usapan si Paulo sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get the latest updates on Paulo. Just text PAULOA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) PAULOA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.