GMA Logo neri naig harvard business school program
Celebrity Life

Neri Naig gets featured in Harvard Business School's Instagram account

By Cara Emmeline Garcia
Published November 12, 2020 11:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

neri naig harvard business school program


Naks! Featured si Neri Naig sa official Instagram account ng Harvard Business School.

“Ay! Si Harvard na mismo ang nagpost n'yan ha!” bitiw ni Neri Naig, ang misis ni Chito Miranda, nang i-repost niya ang Instagram feature niya sa Harvard Business School Online.

Maaalala na noong Agosto, ibinahagi ni Neri na balak niyang mag-enroll sa online program ng prestihiyosong unibersidad.

Kaya naman abot-tenga ang ngiti niya nang ibahagi ng Harvard University ang litrato niya na nag-aaral sa labas ng kanilang bahay.

Dagdag ni Neri sa post, “Ina-acknowledge nila na estudyante nila ako.

“Mommmmy! Taong tao na ako. May tatak Harvard na oh!”

Ay. Si Harvard na mismo ang nagpost nyan ha. Ina-acknowledge nila na estudyante nila ako 😂 Mommmmmmy! Taong tao na ako! 😂 May tatak Harvard na oh! 😂✌

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Kasalukuyang kinukuha ni Neri Naig ang Entrepreneurial Essentials Course sa nasabing unibersidad.

Ibinahagi niya noong Setyembre na natanggap siya sa nasabing kurso matapos i-post ang kanyang course verification form.

“I am happy! Sobra! Nakakaproud dahil kapag may ginusto ako, gumagawa talaga ako ng paraan,” aniya.

“Walang excuses dapat. Paano ko malalaman kung para sa akin kung hindi ko susubukan, 'di ba?

“Everyday, dapat naghahanap tayo ng mga paraan para ma matuto pa. Mag-invest ka sa sarili mo.

“Tandaan, hindi pahuli ang lahat. Kahit ano'ng edad mo pa.”

Ayuuuuuun! Nakatanggap din ng email from Harvard! Ang sabi, "Welcome to Entrepreneurship Essentials! We are thrilled to have you join our community of learners." Wow! Thrilled daw sila! Haha! Bolero! Joke laaaang! Baka bawiin! Hihi! Ok na. Sobrang saya ko na, na alam ko na pasok ako. Ang next ay sakit sa bulsa tapos sakit sa brain naman! 😭 Magbabayad ka para sumakit ang ulo mo, haha! Pero di ba ginusto mo yan? I am happppppy! Sobraaaa! Nakakaproud dahil kapag may ginusto ako, gumagawa talaga ako ng paraan. Walang excuses dapat. Paano ko malalaman kung para sa akin kung hindi ko susubukan, di ba? Everyday dapat naghahanap tayo ng mga paraan para mas matuto pa. Mag invest ka sa sarili mo. Tandaan, hindi pa huli ang lahat. Kahit anong edad mo pa. ❤ #HBSOnTheGo

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Ayon sa website ng Harvard, ang kursong Entrepreneurial Essentials ay makakatulong sa mga gustong gawing isang “viable business venture” ang kanilang mga ideya.