GMA Logo Buboy Villar
Celebrity Life

Buboy Villar, may "$1 billion" house tour

By Cherry Sun
Published November 16, 2020 11:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kim Molina still 'confused' as husband Jerald Napoles greets Gerald Anderson a happy birthday
Fajardo, Ando lead honorees in 40th Cebu Sports Awards
Nikko Natividad's wife Cielo Eusebio speaks up about viral intimate video scandal

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar


"Mga bok, libot ko kayo sa bahay ko. Bawal judgemental." Vintage edition daw ang house tour na ginawa ni Buboy Villar sa kanyang tahanan. Silipin 'yan dito!

Milyon-milyon daw ang halaga ng design, architecture at iba pang items sa bahay ni Buboy Villar. 'Yan ang nakakatuwang hirit ng Owe My Love star nang gumawa siya ng house tour para sa kanyang vlog.

Buboy Villar

Ipinasilip ni Buboy ang tirahan ng kanyang ina kung saan siya tumutuloy ngayon. Biro niya sa kanyang Instagram post ay nagkakahalaga raw ito ng $1,000,000,000.

Bungad din ng aktor sa kanyang vlog, “'Yun, andito siya sa Batasan nun tapos tinuro niya sa akin 'to. Nagulat ako, second floor na kaagad 'to. Tapos nagulat na lang din ako, naging fourth floor, tapos ewan ko na kung ano nangyari. Hindi sinasabi ni mama kung magkano inabot dito sa bahay na 'to. Di ko alam kung ano trip ni mama dito pero alam mo naman ako bilang isang anak, suporta lang ako kung ano gusto niya, kung saan siya masaya. 'Yan ang buhay ng isang anak 'di ba, at bilang isang tatay, responsibilidad mo muna rin siyempre ang anak ko, 'di ba?”

Ipinasilip ni Buboy sa kanyang house tour ang kanilang mga pader na may pinturang galing pa daw sa Switzerland, ang kanilang kakaibang “Cinderella stairs,” ang kanilang bullet-proof wall sa loob ng bahay at camouflage na mga pintuan.

Meron din daw siyang mamahaling table na tulad ng kay Derek Ramsay, pintuang hindi mapapasok ng magnanakaw, mamahaling lutuang galing pa sa Thailand, at cabinet na may laser technology.

Sambit din ni Buboy, ang kikitain daw ng kanyang vlog ay kanyang ibibigay bilang donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo.

Aniya, “Mga bok, libot ko kayo sa bahay ko. Bawal judgemental. Enjoy lang sa pagnood keep safe. At ang kikitain ng video na 'to ay i-do-donate natin sa nasalanta ng bagyong ULYSSES. At sa mga gustong pang tumulong mag-PM na lang din po kayo at pagtulungan po natin 'to makakaahon din po tayo mga BOK! POSITIVE LANG MAY DIYOS NA NAGBABANTAY SA ATIN MGA BOK.”

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)

Panoorin ang kanyang house tour dito:

EXCLUSIVE: Buboy Villar, nagsalita na tungkol sa paghihiwalay nila ni Angillyn Gorens

IN PHOTOS: Buboy Villar and Angillyn Gorens's relationship timeline