
Ipinakita ng Kapuso teen actress na si Elijah Alejo kung paano siya sinorpresa ng mga miyembro ng kanyang official fans club na Elijahnatics upang ipagdiwang ang kanyang 16th birthday.
Sa latest vlog ng Prima Donnas, ipinasilip niya ang kanilang munting selebrasyon sa Fairy Overlooking Resort and Events Place sa Antipolo, Rizal.
Sinorpresa ng Elijahnatics ang 'Prima Donnas' star na si Elijah Alejo sa kanyang 16th birthday.
Sa description ng kanyang latest vlog, ipinaliwanag ni Elijah na sinusunod pa rin nila ang safety guidelines tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield.
"NOTE: Sinunod pa rin po namin ang social distancing, wearing of face masks & face shields, and social distancing," sulat ni Elijah.
Panoorin ang kanyang nangyari surprise birthday party ng Elijahnatics para kay Elijah:
Napapanood na ang all-new episodes ng Prima Donnas mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.
Elijah Alejo celebrates 16th birthday, 'Prima Donnas' co-stars send their greetings