GMA Logo Donita Nose
Celebrity Life

Donita Nose, ipinasilip ang kanyang bagong biling bahay

By Cherry Sun
Published January 12, 2021 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Donita Nose


Meron din daw kuwarto ang kanyang beshie na si Tekla sa bagong bahay ni Donita Nose! Silipin ang kanyang house tour dito.

Wala pa mang laman, ipinasilip na ni Donita Nose ang bunga ng kanyang hirap at tiyaga - isang bagong bahay na magiging tahanan niya at ng kanyang ina at maaari ring bakasyunan ni Tekla.

Donita Nose

Ibinahagi ni Donita Nose ang kanyang pinakamalaki at pinakamahalagang naipundar sa YouTube channel nila ni Teka na Donekla in Tandem.

Isang magarang bahay sa Cavite ang nabili ng komedyante para sa kanyang pamilya. Meron itong dalawang palapag, apat na bed rooms, tatlong banyo, kusina, dirty area, dalawang espasyo na maaaring gamitin bilang living room at recreational area, at balcony.

Ikinuwento ni Donita Nose ang kanyang balak sa bagong biling bahay. Palalagyan daw niya ng bar ang kanyang kitchen at nais daw niya ng mini bath tub sa master's bed room. Iniisip din daw niyang ipa-renovate ang ilang bahagi ng bahay upang mas lumawak at umangkop ito sa nais niyang gamit.

Dagdag din niya, ang isang kwarto sa kanyang tahanan ay maaari ring gamitin ni Tekla at ng mga anak nito kung nais nilang magbakasyon.

Laki sa hirap ang komediyante ngunit sa kabila ng mga pagsubok niya sa buhay ay nanatili siyang matatag at nagsumikap para sa kanyang pamilya:

Ang pagbili ng bahay ang isa sa kanyang pinapangarap para sa kanyang mga mahal sa buhay. Pag-amin niya, matagal na niyang balak bumili ng bahay ngunit akala niya ay hindi na ito matutuloy dahil sa COVID-19 pandemic.

Maliban din sa pasubok na pinansyal dahil sa pagkakaantala ng kanyang trabaho dahil sa quarantine, nagpositibo rin si Donita Nose sa COVID-19 noon Hulyo at na-confine sa ospital bago tuluyang gumaling.

Pahayag niya, “At ito na nga mga ka-tandem, sobrang happy ako. Napakasaya ko kasi natupad na isa sa mga pangarap ko, of course, ang magkaroon kami ng sariling bahay na noon ko pa inaasam. Talagang mahirap, na actually before pandemic ko pa siya actually na ano, nakuha pero talagang noong pandemic, hindi na ako umasa kasi nga sabi ko wala nang kita, wala kaming trabaho.

“Pero still, naawa ang Panginoon 'di ba. Mabait pa rin ang Diyos. Binigay pa rin niay sa akin 'to. Pinilit ko pa rin siyang makuha at eto na siya ngayon, finally dito na kami. So maraming, maraming salamat sa Panginoon at siyempre sa inyo mga ka-tandem dahil kayo rin ang susi kung bakit ko nakuha ito.”

Panoorin ng knailang vlog dito:

Samantala, tingnan din ang ilan pang naipundar ng mga sikat na vloggers at social media stars sa gallery sa ibaba: