
Puno ng saya si Jong Madaliday pagkatapos niyang maabot ang isang milestone sa kanyang online platforms.
Ayon sa Kapuso performer, mayroon na siyang 200,000 YouTube subscribers. Ibinahagi niya ang magandang balitang ito sa kanyang YouTube channel.
Photo source: @jongmadaliday
Saad ni Jong, "200K FAM ON YOUTUBE THANK YOU!"
Bukod sa pag-grow ng subscriber count sa kanyang channel, nakaabot na rin sa 500,000 followers ang kanyang Facebook page.
Para i-celebrate ang kanyang 200K followers, naglabas ng isang nakakatuwang video si Jong. Ito ay ang "Celebrating 200k subs on omegle/ometv party party!!"
Sa video na ito ay ipinakita ni Jong ang kanyang dance moves sa mga taong kanyang makakasalamuha sa online platform na Omegle. Nakisayaw naman sila sa kanyang ginawang online party.
Panoorin ang video ni Jong dito:
Jong Madaliday gets bullied on video chat: 'Lintek na ilong 'yan'
Jong Madaliday, umalma nang sabihang magparetoke ng ilong para dumami ang raket
Kilalanin ang iba pang Kapuso stars na naging vloggers sa gallery na ito: