GMA Logo Bae by Baste and Vic Sotto
Celebrity Life

Bae-by Baste, naiyak matapos maka-video call sina Vic Sotto, Baby Tali

By Cherry Sun
Published February 18, 2021 11:41 AM PHT
Updated February 18, 2021 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Bae by Baste and Vic Sotto


Miss na miss na ni Bae-by Baste ang kanyang 'Eat Bulaga' dabarkads!

Tumulo ang mga luha ni Bae-by Baste matapos makausap sa pamamagitan ng video call si Vic Sotto at anak nitong si Baby Tali.

Baeby Baste and Vic Sotto

Sa kanilang tahanan sa Maynila naabutan ng lockdown si Bae-by Baste noong nakaraang taon. Pagsapit ng Hunyo, lumipad silang pauwi ng General Santos City o GenSan sa Mindanao. Simula noon, dito na nanatili ang child star kaya't nalayo siya sa kanyang Eat Bulaga! dabarkads.

Nitong Miyerkules, February 17, ibinahagi ni Bae-by Baste na naka-video call niya sina Vic at Tali.

Wika niya sa kanyang Instagram post, “Yung naiyak ka dahil na miss mo sila ng sobra lalo po si Bossing.”

Naiiyak din niyang sambit sa kanyang video, “Bossing, I miss you.”

A post shared by Baste (@iambaebybaste)

Silipin ang buhay-quarantine ni Bae-by Baste sa GenSan sa gallery sa ibaba: