GMA Logo Ervic Vijandre
Celebrity Life

Ervic Vijandre, malaki ang pasasalamat na hindi masyadong naapektuhan ng COVID-19 ang kanyang negosyo

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 8, 2021 6:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Ervic Vijandre


Kumusta na kaya ang mga negosyo ni Ervic Vijandre?

Kahit na may pandemic, tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng dalawang branches ng Tipsy Pig Gastropub na pagmamay-ari ni Ervic Vijandre at ng kanyang mga kasosyo.

Nang makapanayam ng GMANetwork.com si Ervic sa pamamagitan ng Zoom, ikinuwento niya kung ano ang ginawa nilang pagbabago upang maging ligtas ang kanyang gastropub.

Saad niya, "Sa Tipsy Pig naman, okay naman siya kasi hanggang ngayon, hindi siya nagsara dahil nalulugi kasi 'yung iba, may mga ganung problema.

"Kami, mula nung lockdown na nagbukas, wala naman naging problema, as in walang empleyado na nagka-COVID dahil nakabukas.

"Sobrang safe kasi sa Tipsy Pig, sobrang maingat kami doon. Mayroon nga kaming employee na ang trabaho niya lang is manghuli lang ng mga hindi nagso-social distancing.

"So nagpapalakad-lakad lang siya doon at sasabihin, 'Opps, social distancing po tayo.'"

A post shared by Ervic Vijandre (@ervicvijandre)

Kinuwento rin ni Ervic kung paano siya napasok sa pagnenegosyo, at naging may-ari ng dalawa sa tatlong branches ng Tipsy Pig.

Hindi naman siya mahilig uminom noong kabataan niya dahil active siya sa pagiging athlete.

"Ang pinaka-unang Tipsy Pig kasi 'yung sa Capitol Commons, doon hindi ako kasama doon. 'Yung BGC and 'yung Timog, doon pa lang ako nakasama," kuwento ni Ervic.

Dagdag pa niya, hindi naman siya mahilig gumimik noon, pero napagdesisyunan niyang makisosyo noong artista na siya.

"Sa totoo niyan hindi talaga ako umiinom, e, hindi ako umiinom ng alcoholic drinks kasi nga lumaki akong athlete," pag-amin ni Ervic.

"Kaya lang, simula nung nag-artista ako, siyempre lagi akong puyat, naiba 'yung body clock ko, so doon ako nagsimula na na-i-invite na, 'O tara, punta tayo Tipsy Pig.'

"Naiba 'yung body clock ko kaya lagi akong tumatambay sa Tipsy Pig Capitol Commons, tapos 'yun, na-invite na ako nung mga kaibigan ko na, 'O, mag-invest ka na rin dito kasi lagi ka na rin naman nandito.'

"Maganda rin naman kasi siyang investment, e, kasi masarap 'yung pagkain ng Tipsy Pig, at the same time, more of a restaurant siya more than a gimikan.

"So mas wholesome siya kaysa doon sa gimik gimik."

A post shared by Ervic Vijandre (@ervicvijandre)

Nakabangon man ang Tipsy Pig mula sa pagkalugi noong may quarantine, naramdaman pa rin ni Ervic ang epekto nito nang magdesisyon siyang isarado ang kanyang gym.

"Unang naapektuhan sa akin 'yung gym ko, may gym kasi ako so hanggang ngayon. Hindi ko siya binubuksan kasi nakakatakot pa," saad ni Ervic.

"Kasi magpapawis ka, ngayon nga lahat tayo nag-a-alcohol dahil sa mga hinahawakan natin, maghuhugas ng kamay, eh paano pa 'yung sa gym na gagamitin 'yung equipment tapos magpapawis tapos lilipat doon sa iba?

"Mahirap nang i-monitor kung nasaan yung virus saka ayokong i-risk din 'yung nagbabantay, pati 'yung mga nag-gi-gym.

"Kahit na may mga bukas nang gym ngayon, ako pinipilit ko pa rin na maghintay na maging normal, saka ko bubuksan 'yung gym.

"Ako na lang muna 'yung nag-gi-gym doon sa gym ko."

A post shared by Ervic Vijandre (@ervicvijandre)

Bukod kay Ervic, ilang celebrities rin na may negosyo ang naapektuhan ng COVID-19.

Kilalanin sila dito: