GMA Logo Lovely Abella
Celebrity Life

Lovely Abella on being a CEO: 'Forever kitang hahawakan'

Published March 16, 2021 10:57 AM PHT
Updated April 28, 2022 12:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alice Guo to undergo 60-day orientation, assessment in women’s correctional —BuCor
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar
Number coding suspended on Dec. 8

Article Inside Page


Showbiz News

Lovely Abella


Hindi pa rin makapaniwala si Lovely Abella na siya ay isang CEO ng kanyang sariling kumpanya.

Parang kahapon lang nang i-setup ng mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo ang kanilang business, ang Seven Long Table Marketing, noong nagsisimula ang quarantine.

Pero dahil sa kanilang pagsisikap, ang kanilang small business ay lumago at nag-branch out pa sa iba't ibang industriya tulad ng cosmetics, food, at iba't iba pa.

Kaya naman sa Instagram noong Lunes, March 15, hindi pa rin makapaniwala si Lovely na pinanghahawakan n'ya ang titulong CEO ng nasabing business.

Aniya sa social media site habang hawak-hawak ang kanyang I.D., “Forever kitang hahawakan sa hirap at ginhawa.

“'Di naging madali ang lahat pero sa tulong ng COO ko, ang aking asawa, naging totoo ang lahat.”

Bitiw pa ni Lovely sa kanyang asawa, “@benj, sabay tayo, babe, sa lahat. #CEO.”

A post shared by Lovely Abella - Manalo (@lovelyabella_)

Noong Sabado lamang, nag-guest si Lovely sa segment na “Bawal Judgemental” ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Dito ikinuwento n'ya ang kanyang mga pinagdaanan bilang isang lady entrepreneur sa panahon ng pandemiya.

Aniya, “CEO ako ng Seven Long Table Marketing. Isa po kaming distributor ng iba't ibang klaseng products tulad ng cosmetics at food.

“Because of the pandemic, nagkaroon kami ng company together with my husband, Benj Manalo.”

“Mga six months pa lang 'yung company pero nagsimula akong mag-online selling ng bags ko hanggang sa luxury bags, at marami pang iba. 'Yung liptint, na dapat giveaway ko lang sa mga bumibili sa akin.

“Hanggang sa ang daming gusto mag-online selling, so 'yung liptint na 'yon ang daming gusto mag-distribute kaya naka-distribute ako ng 70,000 lip tints.”

Dagdag pa niya, “Sobrang hirap kasi nagsimula ako for bags and alahas, pero 'yung time na 'yon sinabay ko lahat ng products which nagkaroon naman ng distributors and si Benj ang nakikipagusap sa distributors. Ngayon we have a hundred plus distributors all over the world.

“Sobrang hirap siya i-handle pero sabi ko nga sa mga taong gusto mag-online selling, kailangan n'yo ng sipag at tiyaga. Hindi ko sinasabi dahil sa produkto na ito, yayaman kayo. Pero 'pag may sipag at tiyaga, konti man ang kita pero every day kumikita, lumalaki kapag tumatagal.”

Panoorin ang kaniyang segment sa Eat Bulaga sa video na ito:

Maliban kina Lovely at Benj, marami rin ang celebrities na naglunsad ng kani-kanilang business noong panahon ng pandemiya. Tingnan kung sinu-sino sila sa gallery na ito: