GMA Logo Aicelle Santos
Celebrity Life

Aicelle Santos relates pandemic struggles with fans

By Cara Emmeline Garcia
Published March 22, 2021 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Leon Barretto to Sophia Laforteza after Katseye's Coachella performance: 'You were amazing'
Bagyo sa labas ng PAR, isa nang super typhoon | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Aicelle Santos


Bitiw ni Aicelle, “Pangarap kong mayakap siya, gayon din ang aking mga magulang at kapatid.”

Sa mahigit isang taon na nating nasa lockdown, hindi napigilan ni Kapuso singer Aicelle Santos na sabihin ang kanyang mga nararamdaman tungkol dito lalo na't hindi pa niya nakikita ang 93-year-old niyang lola.

Sa Instagram ni Aicelle noong Linggo, March 21, ibinahagi niya ang litrato ng kanyang lola na inaalagaan at pinapakain ng kanyang lolo.

Aniya, “Taken [three] years ago. This was my last visit to lolo before leaving for Miss Saigon. We lost him while I was on tour.

“Now, I only have my 93-year-old lola in the province. I haven't seen her since Christmas of 2019.”

Bitiw pa ng singer, “Pangarap kong mayakap siya, gayon din ang aking mga magulang at kapatid. Pero kailangan tiisin ang pangungulila upang maprotektahan lang sila.”

Sa huling bahagi ng kanyang post napatanong si Aicelle sa kanyang fans kung kailan nila huling nakasama at nayakap ang kanilang mga mahal sa buhay.

Aniya, “Haaay… COVID. Ingat tayong lahat. Kasama n'yo akong nagdarasal.”

A post shared by Aicelle Santos 🇵🇭 (@aicellesantos)

Samantala, sa kanyang Instagram Story, hindi rin napigilan ni Aicelle na mangarap na dalhin ang kanyang nag-iisang anak na si Zandrine sa iba't ibang lugar kung wala lang pandemiya.

Kuwento ni Aicelle, “Taking Zandrine out in an adventure through @dreamsoffarawayplace book. What a timely read!

“Mommy was a bit emotional too. If only we could all safely go outside and explore the world again. Haaay… soon… Ingat po lahat.”

Source: aicellesantos (IG)

Super busy ngayon si Aicelle di lamang sa pag-aalaga ng kanyang nag-iisang anak kundi pati na rin sa pagiging hurado sa Centerstage kada Linggo kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa kanyang asawa na si Mark Zambrano sa pag-aalaga ng kanilang anak tuwing siya'y nasa taping.

Sa isang appreciation post, ikinuwento ng Kapuso singer na choice nilang hindi kumuha ng yaya para alagaan ang kanilang anak.

Ani ng Centerstage judge, “Daddy's been taking care of Zandrine when Mommy's away from work: changing her nappies, feeding, hele, entertaining her, and simply showering our Baby Zandrine with love. Kahit masakit ang likod kakabuhat ng buong araw.

“Wala po kaming yaya by choice. We are so lucky to have you, Daddy. I am a blessed mommy and wife. Thank you so much, Mahal ko. Mahal na mahal ka po namin.”

A post shared by Aicelle Santos 🇵🇭 (@aicellesantos)

Tingnan ang cute bonding moments ng mag-asawang Aicelle at Mark kasama si Baby Zandrine sa gallery na ito: