GMA Logo Ellen Adarna Derek Ramsay
Celebrity Life

WATCH: Derek Ramsay proposing to girlfriend Ellen Adarna

By Bong Godinez
Published March 31, 2021 4:34 PM PHT
Updated March 31, 2021 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd hits 5.2M; over 100 persons fainted
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Ellen Adarna Derek Ramsay


Videos of the sweet moment are now making rounds on social media.

Kumakalat na ngayon ang video ng actual proposal ng aktor na si Derek Ramsay sa kasintahan nia si Ellen Adarna.

Sa isang video na naka-upload sa love.derek.ellen Instagram account ay makikita si Derek na nakaluhod habang nakatikod ang kinakabahan na si Ellen.

Habang nagaganap ang eksena ay makikitang may ilaw ang mga salitang “Will You Marry Me?” na siyang nagsisilbing backdrop ni Derek.

Maririnig rin ang pagbigkas ni Ellen ng mga salitang “yes,” hudyat na tinatanggap nito ang alok na pagpapakasal ng Kapuso hunk.

Kasabay naman nito ang paghiyaw ng mga taong nasa paligid ng magkasintahan bago tulyang nagyakapan ang dalawa.

Kagabi, March 30, nang ianunsyo ni Ellen ang kanilang engagement ni Derek sa pamamagitan ng pag-post nito ng mga larawan at may kasamang caption na, “Game over.”

Si Derek naman ay nag-post ng mga salitang “Game on” at “Road to forever” at mga larawan sa Facebook at Instagram.

Nag-post rin si Derek ngayong araw, March 31, ng sweet message para sa kanyang fiancée upang magpasalamat dito sa pagmamahal at pagtanggap sa kanyang proposa.

See the videos of Derek and Ellen's engagement here:

A post shared by Derek Ramsay and Ellen Adarna (@love.derek.ellen)

A post shared by Derek Ramsay and Ellen Adarna (@love.derek.ellen)

A post shared by Derek Ramsay and Ellen Adarna (@love.derek.ellen)