GMA Logo Anna Cay's pregnancy
Celebrity Life

Beauty vlogger Anna Cay is pregnant!

By Aedrianne Acar
Published April 9, 2021 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos: Though thankless, public service is a job that is worth it
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Anna Cay's pregnancy


Congratulations, soon-to-be Mommy Anna Cay and Daddy Geloy Villalobos!

Isang malaking blessing ang natanggap ng beauty vlogger at business owner na si Anna Cay at asawa nito na si Geloy Villalobos matapos kumpirmahin ng social media personality na buntis siya sa una nilang anak.

Anna Cay s YouTube channel

Anna Cay s YouTube channel

Anna Cay s YouTube channel

Sa vlog na in-upload ni Anna Cay kahapon, April 8, ibinahagi niya ang kuwento kung paano niya nalaman na magiging mommy na siya soon.

Aniya, “I found out that I was pregnant on my sixth week, pero initially hindi mo siya alam how far along you are with your pregnancy and nakakatawa kung paano ko siya nalaman.

“Parang sunod-sunod na araw I'm experiencing sharp lower abdominal pains sa may puson banda.

“So, first time ko siya na-experience, nakahiga ako sa kama tapos umubo lang ako, 'yung nangati lang ng normal 'yung lalamunan ko.

“'Pag ganun ko nakakagulat kasi sobrang sakit niya talaga.”

Mas minabuti na lang daw ng vlogger na i-verify kung totoo na buntis siya at kumuha siya ng isang pregnancy test.

Pagbabalik-tanaw nito, “Tina-try ko, bina-brush off ko sa sarili ko na buntis ako, because I had my period January 8, 2021, 'yung last na period. And this was about mga third week of February ata o mga February 19.

“But then the next day, pagising ko, paghiga ko naman dito [points to something] as in dito sa couch namin, ano lang humiga lang ako, tapos gumayan lang ako.

“Ganun na naman, so parang, wait lang parang grabe sunod-sunod na 'yun talong araw ganun, so what I did naglakas loob akong bumili ng pregnancy test.

“Then I took the test tapos, hindi naman ako kinakabahan or anything: kung buntis man o hindi wala namang problema ang pagiging buntis, it's a blessing. Ayun nga wala sa utak, dahil sa utak ko after na lang ng bahay.”

Panoorin ang naging reaksyon ni Anna Cay nang malaman niya na magkaka-baby na sila.

Makikita din sa mga in-upload ni Anna sa Instagram na naidaos na nila ang gender reveal party ng magiging supling nila ni Geloy.

A post shared by Anna Cay (@annacay)

Ikinasal sina Anna Cay at Geloy Villalobos sa isang intimate garden wedding noong December 7, 2020.

Heto pa ang ilan sa memorable weddings ng mga sikat na Pinoy vloggers: