GMA Logo Dingdong Dantes, Sixto Dantes
Celebrity Life

Dingdong Dantes reiterates commitment to startup venture; talks about Ziggy's birthday party

By Bong Godinez
Published April 20, 2021 4:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Evidence vs. public servants should not be used for politicking — Palace
2 hurt in Basilan fire; 3 houses razed
New food hall opens latest branch in BGC

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes, Sixto Dantes


The co-founder of Dingdong is a hands-on entrepreneur and wants to experience the business from the ground up.

Opisyal nang inilunsad ng aktor na si Dingdong Dantes ang kanyang startup venture na Dingdong - isang full-service tech solutions company na pinaghalong delivery service at e-commerce platform.

Layunin ng Dingdong na matulungan ang mga maliliit at malalaking negosyo para lalo pang mapalawig ang kanilang kita at mas makilala ng maraming customers.

Kabilang sa kanilang kliyente ang ilang negosyo na pagmamay-ari ng mga celebrities katulad ng Angrydobo ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Litterbucks café ng magkasintahan na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, at Flora Vida flower shop ng asawa ni Dingdong na si Marian Rivera.

Proud din si Dingdong at kanyang mga partners dahil nakakapagbigay sila ng kabuhayan sa kanilang delivery riders, partikular 'yong mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Nung Valentine's Day, February 14, ay personal na naranasan ni Dingdong kung gaano kahirap maging isang delivery rider nang siya mismo ang naghatid ng orders ng ilang customers sa kani-kanilang bahay.

May balak ba si Dingdong na muling sumabak sa daan at mag-deliver?

“Ang goal talaga namin is to understand the pain points [of the business] sa pamamagitan ng pag-interview, pagtanong, sa pag-aaral ng kanilang [delivery riders and merchants] mga pangangailangan,” sagot ni Dingdong na makausap ng GMANetwork.com kahapon, April 19, sa isang virtual press conference.

“Pero wala ring tatalo sa pag-intindi ng pain points na ikaw mismo ang nakaka-experience kasi sometimes you cannot just always be in the balcony and watch people do it. Sometimes you have to do it yourself.”

Dagdag pa ng aktor, “By doing it yourself, marami kang makikita at mauunawan na mga bagay na maaaring 'di mo nakikita 'pag tumatanaw ka lang sa isang balkonahe.

“So isa sa mga commitments ko dito ay 'yong aking immersion sa ganitong mga bagay. So, the answer is yes.

“That's why hindi lang siya parang gagawin ko lang tuwing Valentine's Day. It's part of a constant program that we plan to do and we are committed in the pursuit of us knowing the pain points. We want to improve whatever is out there.”

Ziggy's birthday

Ngayong fully operational na ang Dingdong ay inaasahan na magiging mas busy ang aktor sa mga susunod na araw.

Pero bago 'yon ay sinigurado muna ni Dingdong na makapaglaan ng oras last week para i-celebrate ang birthday ng bunsong anak na si Sixto o Ziggy.

Nung nakaraang Biyernes, April 16, ay nagdaos ng kanyang second birthday si Ziggy.

Simple lang ang naging selebrasyon ayon kay Dingdong dahil na rin sa pandemya.

“Nag-set up kami ng isang maliit na swimming pool kasi wala naman kaming swimming pool sa bahay,” nakangiting kuwento ni Dingdong.

“So kunwa-kunwari na swimming pool, 'yong hinihipan lang ng hangin. Enjoy na enjoy siya.”

Sabi pa ni Dingdong, “Ang mahalaga, e, basta magkakasama kayo. Mag-isip ka ng bagay na makakapagpa-excite sa kanila especially on their special day.

“Siyempre limited naman lahat ng puwede nating gawin. Basta ang mahalaga nandyan kami para sa kanya, mapasaya namin siya.”

Aminado si Dingdong na binago ng pandemya pati ang parenting style sa mga tahanan. Hindi ito madali at ramdam ng aktor ang struggles ng mga kapwa niya magulang sa panahong ito.

“Ang challenge lang talaga, lalo na sa mga magulang, ay kung paano mapapalaki ang mga bata sa ganitong sitwasyon,” seryosong tugon ni Dingdong.

“Hindi natin alam kung babalik pa ba 'yong mga paaralan kung saan mga kuwarenta o singkwenta ang laman ng isang silid-aralan, hindi natin alam.”

Pagpapatuloy niya, “So, I guess 'yan 'yong mga challenges naming mga magulang na kailangan pag-isipan sa mga panahon ngayon.

“But, of course, without losing that excitement, creatively, and playfulness. So, it's really a balance and harmony of all these.”

Tingnan ang mga kuha sa masayang birthday party ni Ziggy nung nakaraang Biyernes: