
"It's hard to please everybody."
Ito ang sinabi ni Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida sa pambato ng Pilipinas sa 2020 Miss Universe pageant na si Rabiya Mateo.
"Maniwala ka na nand'yan ka, pinili ka, at nakitaan ka namin na you can carry the flag," dagdag ni Ara.
Nagsilbing judge si Ara sa preliminary competition ng 2020 Miss Universe Philippines.
"Represent the Philippines the best way you can."
Bukod kay Ara, suportado rin ni 2020 Miss Universe Philippines fourth runner-up Billie Hackenson si Rabiya.
Kuwento ni Billie sa 24 Oras, nakikita niya ang kagustuhan ni Rabiya na manalo sa Miss Universe kahit minsan ay pagod na pagod na ito sa pagte-training.
"Nakikita ko kapag uuwi na siya, tapos pagod na pagod na siya from training, 'yung drive niya talaga nandoon. Sobrang motivated siya to bring our fifth crown," saad ni Billie.
Apat na Pinay na ang nagwagi ng Miss Universe crown. Sina Gloria Diaz noong 1969, Margie Moran noong 1973, Pia Wurtzbach noong 2015, at Catriona Gray noong 2018.
"Tapos siyempre support since ako 'yung pinakamatanda sa aming tatlo - si Pauline [Amelinckx], si Rabiya, at ako - nand'yan 'yung magluluto ako tapos dadalhan ko na lang siya sa bahay siya."
May mensahe rin si Billie, na mapapanood sa primetime show ng GMA na Owe My Love, para kay Rabiya.
"Biyang, you know that the whole Philippines is rallying behind you. I know that you can bring the fifth crown to the Philippines.
"Ariba, Biyang!"
Panoorin ang buong report ni Cata sa 24 Oras:
Nasa Florida, USA na si Rabiya kung saan gaganapin ang 2020 Miss Universe Pageant sa May 16, 2021 sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino.
Bago 'yan, tingnan ang naging journey ni Rabiya upang maging representative ng prestihiyosong Miss Universe pageant: