
Malapit nang mapanood ang cultural drama TV series na 'Legal Wives' at isa sa mga maswerteng napabilang sa cast nito ay ang character actress na si Divine Aucina.
Gagampanan ni Divine and papel ng best friend ng isa sa mga bida ng serye na si Andrea Torres.
"I feel blessed na gawin ang project na ito. Abangan niyo si Lizzie sa 'Legal Wives.' Mabait siya at higit sa lahat supportive BFF!" bungad ni Divine.
Dagdag pa nito: "I realized din na napapanahon ang project na ito... Hindi ko alam pero tila ata madaming nangyayari sa magkakarelasyon ngayong 2021.
"Wish ko, matapos na ang pandemyang ito at maging harmonious ang relasyon and mental state ng mga tao. Alam ko malaking parte ang pandemic sa mga nangyayari na ito."
Samantala, kapansin pansin ang ibang aura ni Divine na sexier and more confident sa kanyang body. Kitang-kita 'yan sa mga photos na posted sa kanyang Facebook account.
Kasama ang kanyang mga matalik na kaibigan na sina Jelai Andres at Mary Letim Ponce, nagtungo sila sa isang resort sa Subic para sa isang quick summer getaway.
Halatang enjoy si Divine in the company of her friends!
Chill lang muna mga ate niyo!❤️🏝 Jelai Andres Mary Letim Ponce
Posted by D I V I N E on Wednesday, April 28, 2021
My girls 🌺 Jelai Andres Mary Letim Ponce
Posted by D I V I N E on Sunday, April 25, 2021
Have fun, Divine!
Abangan si Divine Aucina as Lizzie sa 'Legal Wives.'
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang mga beach photos ng paborito n'yong celebrities na nakapag biyahe na within the new normal.