
Parang bata sa tuwa ang 51-year-old actress at first-time mom na si Alice Dixson sa pagpitas niya ng mangga.
Dahil first time raw niya itong sinubukan, ibinahagi niya ang video ng kanyang experience sa kanyang Instagram account.
"Can I try? Ang hirap kaya niyan," sambit ni Alice habang pinapanood ang isang lalaki at isang babae na sumusungkit ng mangga gamit ang isang mahabang kawayan na may karit (scythe) sa dulo.
Gamit ang kawayan, sinubukan niyang sumungkit ng mangga. Muntik pa niyang mabitawan ang kahoy dahil sa bigat nito.
Ayon kay Alice, naka tatlong subok siya bago makakuha ng isang pirasong mangga.
Na-enjoy naman niya ang napitas na prutas na may katerno pang bagoong.
"Taste my mango. I believe we create our own happiness," sulat niya sa caption ng kanyang maikling video.
"Start your good morning with good vibes! Can't stop laughing. Ang pag sunggkit ng mangga - (take a) bow. 1st time ko - at sobrang taas pa ha. Katuwaan to the max. Take 3, ACTION!" dagdag pa niya.
Panoorin ang pagpitas ni Alice ng mangga rito:
Kamakailan, nag-guest si Alice sa longest running noontime show sa Pilipinas na Eat Bulaga.
Source: alicedixson IG
Kasama ang iba pang first-time moms, ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan bago nabiyayaan ng kanyang first baby sa tulong ng isang surrogate.
Dito rin niya ibinahagi ang pangalan at gender ng kanyang anak na sinundo pa niya mula Canada.
Silipin ang quarantine experience ni Alice at ng kanyang baby matapos nilang magbiyahe pabalik ng Pilipinas sa gallery na ito: